Get your stories seen by millions online.
Post Release“Maglilingkod, Hindi Mamumulitika”: Tinig ng Kabataang Lider sa Gitna ng Bagong Termino
“Maglilingkod, hindi mamumulitika”—ito ang naging paninindigan ni Konsehal Gel Adriano sa kanyang talumpati sa Inaugural Session ng San Pablo City Council, isang pahayag na tumatak sa gitna ng kanyang pagbabalik bilang konsehal sa ikatlong termino.
San Pablo City, Laguna - July 05, 2025 - San Pablo City — Sa pagbubukas ng bagong termino ng Sangguniang Panlungsod noong Hulyo 1, 2025, namukod-tangi ang mensahe ni Konsehal Martin Angelo “Gel” Adriano, Jr., isang patunay ng kanyang ganap na hinog na pagkatao at makabuluhang serbisyo, habang siya ay pumapasok sa kanyang ikatlong termino sa edad na tatlumput-anim (36). Dinaluhan ang Inaugural Session ng mga lokal na opisyal, kabilang sina Laguna 3rd District Congressman Amben Amante, Laguna Board Member Angelica Jones Alarva, at dating mga Konsehal.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Konsehal Gel na ang panunungkulan ay hindi pribilehiyo kundi isang matinding responsibilidad at obligasyong tumugon ng tapat, maagap at may malasakit. “Maglilingkod, hindi mamumulitika,” ani Adriano, sabay pagsambit na dapat ang serbisyo ay "less noise, more presence" —hindi kailangang maingay at mapalamuti ang serbisyo, mas kailangang ramdam ito ng bawat tao.
Kanyang tiniyak ang pagpapatuloy ng mga programang may direktang pakinabang sa mamamayan gaya ng Social Pension para sa mga PWD at Senior Citizens, cash birthday gift sa mga Senior, tulong-pangkabuhayan at Panimulang Pampuhunan para sa mga nais magsimula ng kanilang magandang kinabukasan. Aniya, “Hindi ito simpleng ayuda, ito ay puhunan ng pag-asa.”
Banggit din ni Adriano na ang layunin sa bayan dapat lahat ay may pantay na pagkakataon at oportunidad, hindi basta bibigyan ng isda bagkus ay turuang mangisda nang sa gayon ay pangmatagalan ang kanilang nadamang tulong. Sa pagsulong ng mga ordinansang magbibigay ng panimulang puhunan, magpapadali sa pagnenegosyo, pagbibigay ng insentibo sa mga imbestor, ito ay makakalikha ng trabaho, hanapbuhay at negosyo sa mga taga San Pablo.
Higit pa sa talumpati, iniwan ni Konsehal Gel Adriano ang isang malinaw na mensahe na ang teknolohiya ay isang susi upang mas mapadali ang bawat serbisyo ng gobyerno para sa mga tao at tulad din ni Pasig City Mayor Vico Sotto, si Konsehal Gel ay nagnanais na ang tamang pamamahala sa pondo ng bayan ay dapat istrikto at sigurado tulad ng pagsisigurado na ang bawat bidding ng lokal na gobyerno ay walang kickback at dapat dumaan sa tama at mas transparent na proseso.
Sa ganitong mga pagkakataon, mas lalong lumilinaw ang pag-asa para sa kinabukasan—dahil sa mga kabataang lider na may malasakit at ipinapamalas ang kahusayan sa paglilingkod, tulad nina Mayor Art Mercado ng San Pedro City (edad 35), Mayor Bryan Celeste ng Alaminos, Pangasinan (edad 29), at Mayor Vico Sotto ng Pasig City (edad 36).
Para sa panayam, opisyal na pahayag, o iba pang katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa mga detalye sa itaas.
Get your stories seen by millions online.
Post ReleaseYou can download the image files used in this press release.
URL Copied.