No1 Press Release Distribution Service in the Philippines

BAGONG KAMPANYA NG UNODC NAKATAKDANG ITAAS ANG KAMALAYAN SA ONLINE NA PANG-AABUSO SA MGA BATA

Target ng kampanyang “Beware Share” ang mga bata, magulang at tagapag-alaga sa Timog-silangang Asya

... ...

Inilunsad ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) ang isang kampanya para matugunan at maiwasan ang pananamantala at pang-aabusong seksuwal sa mga bata online. Target ng Beware the Share ang mga bata, magulang, tagapag-alaga, at ahensya ng gobyerno sa Timog-silangang Asya.

Bangkok Thailand - July 05, 2024 - Sa Timog-Silangang Asya, ang karaniwang oras ng paggamit ng screen ng mga batang nasa edad 6 hanggang 14 ay tinatayang 2.77 oras bawat araw, na lampas sa inirerekomendang dalawang oras kada araw, ayon sa isang sistematikong pagsusuri. Sa Malaysia lamang, mahigit 90% ng mga batang edad 13 hanggang 17 ang may account sa social media.

“Ang malawakang digitalisasyon na sumunod sa pandemya ng COVID-19 at ang mas madaling pag-access sa internet ay nagdulot ng mas madalas na pag-online ng mga bata,” sabi ni Joshua James, ang Regional Counter-Cybercrime Coordinator ng UNODC. “Ngunit nagpapakita ang pagtaas na ito ng nakababahalang trend sa Timog-silangang Asya.”

Mula 2019 hanggang 2022, nagtala ang Malaysia ng 850,000 ulat ng pang-aabuso; halos 200,000 sa mga ito ay noong 2022 lamang. Nagtala ang Laos ng 25,000 sa parehong taon. Nagtala ang Vietnam ng halos tatlong milyong ulat mula 2019 hanggang 2022, na may tinatayang 950,000 noong 2022 lamang, samantalang nag-ulat ang Thailand ng halos dalawang milyon sa panahong iyon at 525,000 noong 2022.

Halos walong milyon ang naiulat sa Pilipinas mula 2019 hanggang 2022 — dalawa at kalahating milyon nito ang naiulat noong 2022 lamang. Batay lamang ang mga ito sa mga ulat na nakarehistro sa pamamagitan ng CyberTipline, isang platform na nakabase sa US kung saan iniuulat ang seksuwal na pananamantala sa mga bata sa buong mundo. Milyon-milyong iba pa ang seksuwal na inaabuso at kinikikilan online.

“Idinidiin ng nakakikilabot na mga numerong ito ang malaking pagtaas sa online na mga insidente ng sekswal na pananamantala sa mga bata, na nangangailangan ng mabilis at tiyak na mga hakbang para maprotektahan ang mga bata sa digital space,” dagdag ni James.

Sa pamamagitan ng bago nitong kampanyang Beware the Share, layunin ng UNODC na itaas ang kamalayan ng mga bata at magulang sa mga kahihinatnan ng paglahok sa mapanganib na gawain online na nagreresulta sa negatibong mental, legal, at sosyal na mga kahihinatnan para sa lahat ng sangkot.

Ang pangunahing mensahe ng kampanya? Mga bata: mag-isip bago mag-click ng 'share' button.

Layunin ng kampanya na ipaalam na:

  • Krimen sa Timog-silangang Asya  ang paggawa, pagbabahagi, at pagpapakalat ng seksuwalisadong content ng menor de edad, kabilang ang sariling-gawang content.

  • Sinasamantala at minamanipula ng mga predator at “groomer” ang mga bata para magbahagi ng seksuwalisadong content at mangikil sila ng karagdagang imahe at ng pera.

  • May umiiral na sistema ng pag-uulat sa mga awtoridad. May mga solusyon para sa mga nakararanas ng online na pang-aabuso.

Makikita ang tungkol sa kampanya sa main page nito (www.unodc.org/bewaretheshare), kung saan makakapaglaro at makakapag-quiz ang mga user tungkol sa paksa at makakapanood ng mga video sa lokal nilang wika. Tampok sa mga video ang mga karakter at mensahe na parang sa mga video game para mailapit at maging kawili-wili ang kuwento sa mas batang mga manonood. Makikita rin sa site ang mga direktang kontak na ligtas na malalapitan ng mga biktima kung sa palagay nila ay naaabuso sila o ang kilala nila online.

Pinopondohan ng mga gobyerno ng Canada at Netherlands, isasagawa ang kampanya sa 5 bansa sa rehiyon: Laos, Malaysia, Philippines, Thailand, at Vietnam at palalakasin ito sa tulong ng mga influencer.

Alamin ang tungkol sa kampanya sa www.unodc.org/bewaretheshare at gamitin ang hashtag na #bewaretheshare kapag tinutukoy ito.

Sources:
1. https://ghrp.biomedcentral.com/articles/10.1186/s41256-023-00297-z

2. https://www.unicef.org/malaysia/media/1506/file/Accessible_version_-_Our_Lives_Online_Executive_Summary.pdf

3. 
https://www.missingkids.org/content/dam/missingkids/pdfs/2019%20CyberTipline%20Reports%20by%20Country.pdf 

https://www.missingkids.org/content/dam/missingkids/pdfs/2020-reports-by-country.pdf 

https://www.missingkids.org/content/dam/missingkids/pdfs/2021-reports-by-country.pdf 

https://www.missingkids.org/content/dam/missingkids/pdfs/2022-reports-by-country.pdf 

PRESS CONTACT

Makipag-ugnayan: 
Joshua James
UNODC Regional Counter-Cybercrime Coordinator

Get your stories seen by millions online.

Post Release
Press Type
Campaign
Business Category
Others
Region
Nationwide
Press release images Press release images

You can download the image files used in this press release.

URL Copied.